Bagong kaso ng mpox sa Pilipinas naitala ng DOH

PHOTO: DOH head office with DOH logo superimposed STORY: Bagong kaso ng mpox sa Pilipinas naitalaga ng DOH
—INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — May bagong kaso ng mpox sa bansa, ayon sa pahayag nitong Lunes ng Department of Health (DOH).

Sa naitalang kaso, ang natamaan ng sakit ay 33-anyos na lalaki na hindi lumabas ng bansa. Ito ay iniulat sa kagawaran kahapong Linggo, ika-18 ng Agosto.

Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na unang nagka-lagnat ang lalaki at sinundan ng rashes sa kanyang mukha, likod, batok, at singit.

BASAHIN: Kaso ng leptospirosis tumaas ng 17%, ayon sa DOH

Ang huling naitalagang mpox case sa bansa ay noong nakaraang Disyembre at ang unang siyam na tinamaan ng sakit sa bansa ay gumaling, sabi pa ni Herbosa.

Ang karaniwang sintomas ng sakit ay rashes, lagnat, pananakit ng ulo at katawan, at panghihina.

Bilin ni Herbosa upang makaiwas sa mpox: Mahalaga ang paghuhugas ng mga kamay at paggamit din ng hand sanitizers.

Read more...