Escudero: Baka padudahan abilidad ng PNP kung di mahuli si Guo

By Jan Escosio July 30, 2024 - 02:15 PM

PHOTO: Composite image of PNP headquarters with PNP logo superimposed STORY: Escudero: Baka padudahan abilidad ng PNP kung di mahuli si Guo
Composite image from INQUIRER.net file photos

METRO MANILA, Philippines — Aminado si Senate President Francis “Chiz” Escudero na maaring makuwestiyon ang kakayahan ng Philippine National Police (PNP) kung hindi nito mahuhuli si suspended Bamban, Mayor Alice Guo.

Ngunit nilinaw ni Escudero na hindi naman babawasan ng intelligence fund ang PNP dahil kapag ginawa ito ng Kongreso ay mas mabibigo ito na gawin ang kanyang mandato.

Aniya, maaring maging kahiya-hiya lamang ang PNP, bagamat sinabi din niya na mas marami pang pinaghahanap ng batas na mas mabibigat ang kaso ang hindi nahuhuli.

BASAHIN: PNP tumutulong sa Senate security sa paghahanáp kay Alice Guo

BASAHIN: Kooperasyón kailangan sa pag-aresto kay Alice Guo – Estrada

Sa pagdinig kahapong Lunes, binigyan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ng ultimatum na dalawang linggo ang PNP at National Bureau of Investigation (NBI) para mahuli si Guo.

Depensa naman ni Escudero, hindi sinanay ang kanilang Sergeant-at-Arms para maghanap ng mga tao na may arrest order mula sa Senado kayat nagpapasaklolo sila sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.