Tax evasion case isinampa ng BIR laban kay Mayor Alice Guo

PHOTO: Bamban Mayor Alice Guo STORY: Tax evasion case isinampa ng BIR laban kay Mayor Alice Guo
Mayor Alice Guo of Bamban, Tarlac —Kuha ni Marianne Bermudez, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Sinampahan sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na kasama sa isinampa nilang kaso si Jack L. Uy at Rachelle Joan Malonzo Carreon, ang corporate secretary ng Baofu Land Development Inc.

Ipinaliwanag ni Lumagui na nadiskubre nila na hindi nagbayad si Guo ng capital gains tax at documentary stamp tax nang ibenta nito ang kanyang shares sa Baofu kay Uy.

BASAHIN: Escudero: Baka padudahan abilidad ng PNP kung di mahuli si Guo

Aniya, pinanumpaan pa ni Guo ang pagbenta ng kanyang shares kayat pinagtibay pa nito ang isinampa nilang kaso.

Dagdag pa ni Lumagui, patuloy ang pagsasagawa nila ng audit sa iba pang mga negosyo ni Guo base sa mga nabunyag sa mga pagdinig sa Senado.

Inamin naman niya na maaring iatras ang kaso kung magbabayad lamang ng tamang buwis si Guo.

Base sa impormasyon mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ibinenta ni Guo ng P1 bawat share ang kanyang 2.5 million shares sa Baofu.

Read more...