P106-B nailaan para sa gov’t salary hike hanggang sa 2025

PHOTO: Amenah Pangandaman STORY: P106-B nailaan para sa gov’t salary hike hanggang sa 2025
Budget Secretary Amenah Pangandaman —INQUIRER.net file photo mulâ kay Ryan Leagogo

METRO MANILA, Philippines — Nakapaglaan na ang gobyerno ng P106 bilyon para sa dalawang taon na pagpapataas ng sahod ng mga kawani ng gobyerno, ayon sa  Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman nitong Lunes na ang pagbibigay ng umento sa mga kawani ng gobyerno ay sisimulan ngayon taon sa pagpirma niya sa National Budget Circular and Local Budget Circular.

Alinsunod aniya ito sa Executive Order (EO) No. 64 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

BASAHIN: Pagpasá ng P6.352-trillion budget sa 2025 prayoridád ng Kámara

Ipinaliwanag ni Pangandaman na maaaring gamitin ng mga ahensiya ng gobyerno ang kanilang Personnel Services Budget sa pagbibigay na ng karagdagang sahod sa kanilang mga kawani ngayon taon.

Sabi pa niya na kung ito ay kakapusin maari huhugot sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) para sa ibibigay na umento mula noong ika-1 ng Enero.

 

Read more...