Pagpasá ng P6.352-trillion budget sa 2025 prayoridád ng Kámara
METRO MANILA, Philippines — Mamadaliín ng Kámara ang pagpasá ang panukalang P6.352 trillion national budget para sa 2025, na isa sa mga natitiráng mga priority bill Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ito ang pahayág kahapong Linggó ni House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Romualdez, hinihintáy na lamang ng mga mambabatás ang 2025 National Expenditure Program na pagbabasehan ng 2025 General Appropriations Bill.
BASAHIN: P6.35-trillion budget sa 2025 ihihirit ng Palasyo sa Kongreso
BASAHIN: A win for budget transparency – INQUIRER EDITORIAL
Inaasahan na isusumité ang 2025 NEP isang linggó matapos ang ikatlóng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa susunod na Lunes, ika-22 ng Hulyo.
Nangakò si Romualdez na tatapusin ang deliberasyón sa pambansang pondo sa katapusán ng Setyembre.
Idiniín niyá na napakahalagá nitó para maipagpatuloy ang pagpapaunlád sa ekonomiya ng bansa, lalo na sa pagbibigáy serbisyo sa mga mamamayán.
Kabilang din sa LEDAC priority bills, na ipinangakò din ni Romualdez na ipapasá bago ang pagtatapos ng 19th Congress, ay ang pag-amyenda ng tatlóng mga batás — Electric Power Industry Reform Act, Agrarian Reform Law, at ang Foreign Investors’ Long-Term Lease Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.