Tolentino nais maimbestigahan sa Senado ang Bataan oil spill

By Jan Escosio August 02, 2024 - 02:30 PM

PHOTO: Francis Tolentino STORY: Tolentino nais maimbestigahan sa Senado ang Bataan oil spill
Sen. Francis Tolentino (File photo from the Senate Public Relations and Information Bureau)

METRO MANILA, Philippines — Naghain ng resolusyon si Senate Majority Leader Francis Tolentino nitong Huwebes para maimbestigahan sa Senado ang oil spill na idinulot ng paglubog ng MT Terranova sa dagat na sakop ng Limay, Bataan.

Sa inihain niyang Senate Resolution No. 1084, hiniling ni Tolentino na ang Commmittee on Environment, Natural Resources and Climate Change, na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar, ang magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon kay Tolentino kailangan alamin ang epekto ng insidente sa marine ecosystem, gayundin sa kalusugan, seguridad sa pagkain, at kabuhayan ng mga nasa apektadong lugar.

BASAHIN: Tanker lumubog sa Manila Bay sa Bataan, nagsanhi ng oil spill

BASAHIN: Mga isda mula sa Bataan iniluto, pumasa pa sa panlasa – BFAR

May pangangailangan din aniya na mabigyan ng sapat na tulong ang mga apektadong komunidad, lalo na ang mga mangingisda at ang mga umaasa sa sektor ng turismo.

Sinabi niya na marami sa mga residente sa mga apektadong lugar sa Cavite — tulad ng Bacoor City, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate — ay nabubuhay sa pangingisda at turismo.

Noong Miyerkules nagdeklara ng state of calamity ang Cavite at ipinagbawal muna ang paghuli sa tahong, alimasag, alimango at halaan.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), may kargaang 1.4 milyong litro ng industrial fuel at MT Terranova nang lumubog ito noong ika-25 ng Hulyo.

TAGS: Bataan oil spill, Francis Tolentino, MT Terranova, Bataan oil spill, Francis Tolentino, MT Terranova

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.