Tanker lumubog sa Manila Bay sa Bataan, nagsanhi ng oil spill
METRO MANILA, Philippines — Lumubog ang isang motor tanker sa parte ng Manila Bay na sakop ng Limay, Bataan nitong madaling araw ng Huwebes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Tuluyang lumubog ang MT Terra Nova nang 1:10 a.m. sa layo na 3.6 nautical miles sa silangan ng Lamao Point.
Nailigatas ang 16 sa 17 na crew ng tanker. Samantala, 3 p.m na nang matagpuan ang mga labi nung isang nawalang tripulante.
BASAHIN: Oil slicks mula sa lumubog na fishing vessel sa Batangas napansin ng PCG
Nagsagawa na ng aerial survey ang Coast Guard Aviation Command at naiulat na nagkaroon ng oil spill may 5.6 nautical miles ang layo sa dilangan ng Lamao Point.
Nagpadala ng marine enviromental protection personnel sa lugar para mapigilan ang pagkalat pa ng langis.
Nabatid ng Radyo Inquirer na may kargang 1.4 milllion liters na industrial fuel oil ang lumubog na tanker, na patungo sa Iloilo.
Inaalam pa ang lagay ng panahon sa lugar nang maganap ang insidente, ayon kay PCG spokesperson Rear Adm. Armand Balilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.