Mga isda mula sa Bataan iniluto, pumasa pa sa panlasa – BFAR

By Jan Escosio July 30, 2024 - 08:30 AM

PHOTO: MT Terra Nova that sunk off Bataan STORY: Mga isda nahuli sa Bataan iniluto, pumasa pa sa panlasa – BFAR
Ito ang bahagi ng MT Terra Nova na nakalitaw pa sa tubig ng Manila Bay matapos ito lumubog nitong Huwebes, ika-25 ng Hulyo 2024. —Larawan mula sa Philippine Coast Guard

METRO MANILA, Philippines — Hindi pa apektado ng oil spill ang mga nahuling isda sa Manila Bay na malapit sa apat na bayan at lungsod ng Bataan.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Martes, pumasa sa “sensory analysis” ang mga bagong huli at inilutong isda mula sa Balanga City at sa mga bayan ng Limay, Orion, at Samal.

Sa pahayag ng BFAR, magsasagawa pa ng mga karagdagang pagsusuri sa mga pribadong laboratoryo para matiyak na hindi kontaminado ng langis o grasa ang mga nahuhuling isda sa dagat malapit sa pinaglubugan ng MT Terra Nova.

BASAHIN: Tanker lumubog sa Manila Bay sa Bataan, nagsanhi ng oil spill

Wala pa rin ipinatutupad na fishing ban sa bahagi ng dagat na hindi apektado ng oil spill.

Hinikayat na rin ng BFAR ang mga mangingisda na agad iulat sa mga awtoridad ang mapapansin na langis sa dagat, umiwas sa mga kontaminadong lugar, agad hanguin ang mahuhuling isda o shellfish, at magsuot ng personal protective equipment hanggang maaari.

Tiniyak ng BFAR na ginagawa ang mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang epekto ng insidente sa pampublikong-kalusugan, bukod sa mga yaman-dagat.

TAGS: Bataan oil spill, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, MT Terra Nova, Bataan oil spill, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, MT Terra Nova

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.