METRO MANILA, Philippines — Magsisilbing acting secretary ng Department of Trade and Industry si Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque.
Ito ang ianunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes kasunod nang pagbibitiw ni Alfredo Pascual.
Ayon sa PCO, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may tunay na kapabilidad ang pamunuan ng kagawaran kayat itinalaga nito si Aldeguer-Roque.
BASAHIN: Trade Secretary Alfredo Pascual nag-resign; pumayag si Marcos
Sa inilabas din na pahayag ng PCO, sinabi na napakahalaga ng DTI sa paglago ng ekonimiya ng bansa, partikular na ang pagsuporta sa mga maliliit na negosyo.
Sinabi din na napansin ni Marcos ang ipinakitang dedikasyon ni Aldeguer-Roque sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pamumuno nito sa DTI-MSME Development Group at ang pangangasiwa nito sa Bureau of Small and Medium Enterprise Development, sa Bureau of Marketing Development and Promotions, sa One Town, One Product Product Management Office at sa Comprehensive Agrarian Reform Program Management Office.
Pinangangsiwaan din nito ang Small Business Corp. at Cooperative Development Authority.