Trade Secretary Alfredo Pascual nag-resign; pumayag si Marcos
METRO MANILA, Philippines — Nagbitiw si Trade Secretary Alfredo Pascual sa kanyang pwesto, at tinanggap nama na ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Epektibo sa Biyernes, ika-2 ng Agosto, ang pag-alis ni Pascual sa Department of Trade and Industry (DTI).
Wala pang inanunsiyo ang Malacaãng na papalit sa nagbitiw na miyembro ng gabinete.
BASAHIN: DTI Secretary Pascual, nanumpa kay Pangulong Marcos
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) magbabalik sa pribadong sektor si Pascual.
Pinasalamatan naman ni Marcos si Pascual sa pagsisilbi nito sa kanyang gabinete.
Pinuri niya ito sa kanyang mga nagawa para matulungan ng gobyerno ang mga maliliit na negosyo.
Wala pang inanunsiyo ang Malacañag na papalit kay Pascual.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.