METRO MANILA, Philippines — Binabalak ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng mga karagdagang administrative staff para mabawasan pa ang nonteaching workload ng mga guro.
Sa isang ambush interview nitong Huwebes, sabi ni Education Secretary Sonny Angara n kapos pa rin ang kagawaran ng administrative assisstants sa kabila nang pagtatalaga nila ng 5,000 na nonteaching personnel.
Sinabi niya na sobra-sobra din ang trabaho ng mga kasalukuyang administrative assistants dahil umaabot sa tatlong pampublikong paaralan ang kanilang kailangan na puntahan para tulungan ang mga guro.
BASAHIN: Angara binigyang-pugay ng mga senador bilang DepEd chief
Ngunit, ayon pa rin sa kalihim, hindi pa natutukoy ang bilang ng kakailanganin na administrative staff dahil kailangan muna ng pag-aralan ang dapat na mabawas sa mga trabaho ng mga guro, maliban sa pagtuturo.
Nabanggit din ng kalihim na maraming guro ang nadagdagan ang trabaho dahil sa pagpapatupad ng Matatag curriculum ngayon unang linggo ng school year 2024-2025 at itong araw ng Biyernes naman aniya rerebisahin ito kung nararapat.