METRO MANILA, Philippines — Ano ang nangyari doon sa 5,500 flood control projects na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (Sona) nitong ika-22 ng Hulyo?
Ito ang hinahanap ni Sen. Joel Villanueva sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanyang pagbatikos ng ahensiya nitong Miyerkules sa Kapihan sa Senado.
Napuna ni Villanueva ang DPWH kasunod na rin ng pagbaha sa maraming lugar sa Luzon, kasama na ang Metro Manila, dahil sa pag-ulang dulot ng Typhoon Carina at ng habagat.
BASAHIN: Lumang drainage system sanhi ng baha sa Metro Manila – MMDA
BASAHIN: State of calamity idineklara sa Metro Manila dahil sa Carina
Ngayon araw ng Huwebes ay magkakaroon ng pagdinig ang Senate Committee on Public Works para usisain sa mga kinauukulang ahensiya ang naranasang pagbaha noong nakaraang linggo.
Hinanap din ni Villanueva ang committee report ukol sa mga naging pagdinig ukol sa katulad na pagbaha na naranasang ng Central Luzon at Metro Manila noong 2023.
Ayon kay Villanueva, maaring binibigyan ng maling impormasyon si Marcos na ginamit niya sa kanyang Sona.
Ipinaalala ng senador na noong 2023, matapos malubog ang Bulacan sa baha, hinanap sa kanya ng mga kapwa Bulakenyo ang mga fllood. control project at nangako siya na hahanapin ang mga ito sa DPWH.
Dagadag pa niya na parang wala nang naniniwalang may gagawin pang solusyon ang gobyerno sa problema ng pagbaha,.