Lumang drainage system sanhi ng baha sa Metro Manila – MMDA

By Jan Escosio August 01, 2024 - 05:45 AM

PHOTO: People on a raft on flooded España Boulevard STORY: Lumang drainage system sanhi ng baha sa Metro Manila – MMDA
Mga residente ng Manila bumiyahe sa baha sa España Boulevard matapos ang malakas na ulan na dala ng Typhoon Carina nitong Miyerkules, ika-24 ng Hulyo 2024. —Kuha ni Marianne Bermudez | Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Nakadagdag sa mga pangunahing dahilan sa pagbaha sa malaking bahagi ng Metro Manila ang luma at kulang na drainage system, ayon sa pahayag nitong Miyerkules ni Chariman Don Artes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Binanggit din na ibang pang dahilan ni Artes ang kakulangan ng disiplina sa pagtatapon ng mga basura at ang limitadong pondo para sa mga flood control project.

Ayon kay Artes, ngayon 2024 ang pondo para sa kanilang flood control projects ay P2.720 bilyon at P2.284 bilyon nito ay para sa pagbili ng mga kinakailangang kagamitan at materyales, samantalang P395.5 milyon ay para sa operasyon ng 71 pumping stations.

BASAHIN: State of calamity idineklara sa Metro Manila dahil sa Carina

Sabi pa niya sa ngayon ang naturang budget ay para din sa 101 proyekto at ngayon buwan ay 56 na ang natapos sa mga ito.

Itinuro din niya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may hawak ng mga malalaking flood-control projects at ang respondibilidad ng MMDA ay limitado sa paggawa at rehabilitasyon ng drainage systems, ang operasyon ng 71 pumping stations, paglilinis ng mga daanan ng tubig, flood monitoring at flood response at waste management.

Ayon pa kay Artes marami sa mga drainage system sa Kalakhang Maynila ay ginawa noon pang dekada ’70 at madalas ay nababarahan  ng mga basura.

TAGS: Metro Manila flooding, Metropolitan Manila Development Authority, Metro Manila flooding, Metropolitan Manila Development Authority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.