METRO MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Senate President Francis Escudero na hindi ikagagalit ng China ang ibinigay na $500 million na defense at security aid ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Naniniwala din ang senador na hindi gagawa ang hakbang ang China na magpapatindi ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).
Katuwiran ni Escudero, tulad ng ibang bansa, karapatan ng Pilipinas na palakasin ang sariling hukbong-sandatahan para sa seguridad at kapayapaan.
BASAHIN: US tiniyák ang pagpapatupád sa Mutual Defense Treaty
Ang pagbibigay ng military aid o anumang uri ng tulong ay karaniwan sa mga mga magkaka-alyadong bansa.
Puna naman ni Senate Minority Aquilino “Koko” Pimentel III na wala naman pakinabang ang mga magsasaka at mangingisda sa panibagong tulong ng Amerika.
Dagdag pa nito, kadalasan ay gamit na o luma na ang ibinibigay na mga kagamitang pang-digma ng US sa Pilipinas.