US tiniyák ang pagpapatupád sa Mutual Defense Treaty

By Jan Escosio June 19, 2024 - 04:25 PM

PHOTO: Flags of the Philippines and the US. STORY: US tiniyák ang pagpapatupád sa Mutual Defense Treaty
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippines — Kasunód nang panibagong insidente sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS), muling pinagtibay ng US Department of State na susunód itó sa mga nakapaloób sa Mutual Defense Treaty (MDT).

Sinabi ni US Deputy Secretary of State Kurt Campbell na nakasaád sa Article VI ng 1951 MDT na ang armadong pag-atake ay hindí limitado sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas kundi magíng sa mga pampublikong sasakyáng pandagat at eroplano, gayundin ng Philippine Coast Guard saán mang bahagì ng South China Sea.

Kasunód nitó, nagpahayág ng labis na pagkabahalâ si Campbell sa insidente kahapong Martés. Lubhábg delikado raw ang ginawâ ng China at nagsisilbing bantâ sa kapayapaán at kaayusán sa rehiyon.

BASAHIN: Mga barko ng PH, China nagbangaan malapit sa Ayungin Shoal

BASAHIN: Military drill ng China Navy sa loób ng PH EEZ susuriín ng DFA

Sa hiwaláy na pahayág, tinawag  namán ng tagapagsalitâ ng US State Department na Mathew Miller na iresponsable ang ginawâ ng China Coast Guard sa resupply vessel na patungò sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Aniya, pagpapakita lamang itó na waláng pakialám ang China sa kaligtasan ng mga Filipino at sa batás pandaigdigan sa South China Sea.

TAGS: Mutual Defense Treaty, PH-China relations, PH-US relations, West Philippine Sea, Mutual Defense Treaty, PH-China relations, PH-US relations, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.