METRO MANILA, Philippines — Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 36 na ang nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng habat at Typhoon Carina (international name: Gaemi).
Nabatid ng Radyo Inquirer nitong Lunes na 14 ang nakumpirma na, samantalang 22 ang sumasailalim pa sa kumpirmasyon, kabilang ang 15 sa Metro Manila, lima sa Calabarzon, at tig-isa sa Ilocos Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nasa 1.24 milyon na pamilya, na may katumbas na higit 4.553 milyon indibiduwal, mula sa 3,854 barangay ang na-apektuhan ng Carina, ayon sa NDRRMC.
BASAHIN: GSIS may P18.5B para sa Typhoon Carina emergency loan
May 152,800 indibiduwal ang nananatili sa evacuation centers at may 641,944 naman ang patuloy na binibigyan ng tulong.
Umabot naman sa P355,6 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at P1.69-bilyon naman sa mga imprastraktura.