METRO MANILA, Philippines — Sabay-sabay nitong Martes, ika-30 ng Hulyo, ang pagbaba ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompanya ng langis, matatapyasan ng 75 na sentimo ang halaga ng bawat litro ng gasolina, 85 na sentimo naman sa presyo ng krudo, at 80 na sentimo sa gaas.
Itinuturo ang bumabang pangangailangan sa langis sa pandaigdigang merkado na sinabayan ng maraming suplay na mga dahilan sa paggalaw ng mga presyo ngayon linggo.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Noong nakaraang linggo, nadagdagan pa ng 10 na sentimo ang halaga ng gasolina, samantalang bumaba ng 40 na sentimo ang presyo ng diesel, at 70 na sentimo sa gaas.
Ngayong taon, tumaas na ng P10.35 ang presyo ng gasolina, P7.75 ang diesel at 50 na sentimo naman ang gaas.