GSIS may P18.5B para sa Typhoon Carina emergency loan

By Jan Escosio July 25, 2024 - 04:16 PM

PHOTO: GSIS main office
GSIS main office —File photo mula sa Facebook page ng GSIS

METRO MANILA, Philippines — Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P18.5 bilyon para sa 864,089 na  mga miyembro at pensioner nito na naapektuhan ng nagdaang  Typhoon Carina (internation name: Gaemi).

Ang mga apektadong miyembro ay nasa Batangas, Rizal, at Metro Manila — mga lugar na idineklarang calamity areas.

Ang aplikasyon para sa loan ay tatanggapin simula bukas ng Biyernes, ika-26,  hanggang ikaw-28 ng Oktubre.

Ang mga miyembro at pensioner na may binabayaran pang emergency loan ay maaring maka-utang ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang utang at matanggap ang kanilang bagong uutangin.

BASAHIN: May mahuhugot na $500M para sa response sa Carina – Recto

Ang mga wala naman loan sa GSIS ay makakahiram ng hanggang P20,000.

Mag 6.3% interest ang utang at maaring bayaran ng hanggang tatlong taon.

TAGS: Carina, Government Service Insurance System, GSIS Carina emergency loan, Carina, Government Service Insurance System, GSIS Carina emergency loan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.