Patay sa Typhoon Carina nasa 21 na, ayon sa PNP

PHOTO: People on a raft on flooded España Boulevard STORY: Patay sa Typhoon Carina nasa 21 na, ayon sa PNP
Mga residente ng Manila bumiyahe sa baha sa España Boulevard matapos ang malakas na ulan na dala ng Typhoon Carina nitong Miyerkules, Ika=24 ng Hulyo 2024. —Kuha ni Marianne Bermudez | Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Nasa 21 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa Typhoon Carina at habagat, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Col. Jean Fajardo, ang tagapagsalita ng PNP, 11 sa mga nasawi ay naitala sa Calabarzon, pito sa Metro Manila, at tatlo sa Central Luzon.

Dagdag pa ni Fajardo, marami sa mga nasawi ay nalunod.

BASAHIN: State of calamity idineklara sa Metro Manila dahil sa Carina

BASAHIN: May mahuhugot na $500M para sa response sa Carina – Recto

Ibinahagi ng opisyal na may 15 ang nasugatan at lima ang napa-ulat na nawawala.

Ngunit ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang datos ng PNP ay kailangan pa rin beripikahin.

 

Read more...