May mahuhugot na $500M para sa response sa Carina – Recto
FOR EMERGENCIES: List of government hotlines
METRO MANILA, Philippines — Handa ang Department of Finance (DOF) na gamitin ang $500 million standby credit line ng bansa upang madagdagan ang pondo ng gobyerno sa pagsasgaawa ng disaster relief ooperations at rehabiltasyon ng mga lugar na nasalanta ng Typhoon Carina, na ang international name ay Gaemi.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto ang pondo ay manggagaling sa Philippines Disaster Risk Management (DRM) and Climate Development Policy Loan (DPL) with a Catastrophe-Deferred Drawdown Option (CAT-DDO5) ng World Bank.
Aniya, ang mga pondo ay mabilis naman na mailalabas at maipapamahagi kapag nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng state of calamity sa buong bansa.
READ: State of calamity idineklara sa Metro Manila dahil sa Carina
READ: LIVE UPDATES: Typhoon Carina
Sabi pa ni Recto, magagamit ang pondo para sa agarang pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan, pamamahagi ng mga pagkain at mga panguahing pangangailangan, at pagtulong sa pagbangon ng mga lubhang naapektuhan ng epekto ng bagyong Carina at habagat.
Pinaliwanag niya na ang pondo ay maaring gamitin sa mga epekto ng climate change, kalamidad, at pandemiya.
Dagdag pa niya, maari din ilabas at gamitin ang pondo kapag may deklarasyon ng public health emergency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.