May mahuhugot na $500M para sa response sa Carina – Recto

PHOTO: Ralph Recto STORY: May mahuhugot na $500M para sa response sa Carina – Recto
Finance Secretary Ralph Recto —Screen shot mulâ sa video ng Deparment of Finance

FOR EMERGENCIES: List of government hotlines 

METRO MANILA, Philippines — Handa ang  Department of Finance (DOF) na gamitin ang $500 million standby credit line ng bansa upang madagdagan ang pondo ng gobyerno sa pagsasgaawa ng disaster relief ooperations at rehabiltasyon ng mga lugar na nasalanta ng Typhoon Carina, na ang international name ay Gaemi.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto ang pondo ay manggagaling sa Philippines Disaster Risk Management (DRM) and Climate Development Policy Loan (DPL) with a Catastrophe-Deferred Drawdown Option (CAT-DDO5) ng World Bank.

Aniya, ang mga pondo ay mabilis naman na mailalabas at maipapamahagi kapag nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng state of calamity sa buong bansa.

READ: State of calamity idineklara sa Metro Manila dahil sa Carina

READ: LIVE UPDATES: Typhoon Carina

Sabi pa ni Recto, magagamit ang pondo para sa agarang pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan, pamamahagi ng mga pagkain at mga panguahing pangangailangan, at pagtulong sa pagbangon ng mga lubhang naapektuhan ng epekto ng bagyong Carina at habagat.

Pinaliwanag niya na ang pondo ay maaring gamitin sa mga epekto ng climate change, kalamidad, at pandemiya.

Dagdag pa niya, maari din ilabas at gamitin ang pondo kapag may deklarasyon ng public health emergency.

Read more...