3-day SONA gun ban sa Metro Manila simulá na sa Sabado, ika-20 ng Hulyo

PHOTO: Composite photo ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagtatalupatì. STORY: 3-day SONA gun ban sa Metro Manila simulá na sa Sabado, ika-20 ng Hulyo
Composite photo ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagtatalupatì. —File photo mulâ sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — May tatlóng araw na gun ban sa Metro Manila na magsisimula ng 12:01 a.m. sa Sabado, ika-20 ng Hulyo.

Ang pagsuspindí sa lahát ng permit to carry firearms outside of residence (PTCFOR) ay bahagì ng planong pang-seguridad para sa pangatlóng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, ika-22 ng Hulyo..

Ang gun ban ay epektibo hanggang 12:01 a.m. ng Martés, ika-23 ng Hulyo.

BASAHIN: 22,000 pulís, security forces magbabantáy sa 3rd SONA ni Marcos

BASAHIN: Sa SONA, Pimentel umaasang may ulat ng pag-usad sa mga plano

Sa abiso ng Philippine National Police (PNP), ang gun ban ay para matiyák ang kaligtasan ng públiko sa pag-uulat sa bayan ng pangulo.

May 22,000 pulis ang magbabantay sa Metro Manila sa Lunes at 6,000 sa kanila ay sa paligid ng Batasang Pambansa complex.

Read more...