Sa SONA, Pimentel umaasang may ulat ng pag-usad sa mga plano

PHOTO: Aquilino Pimentel III STORY: Sa SONA, Pimentel umaasang may ulat ng pag-usad sa mga plano
Sen. Aquilino Pimentel III —File photo mulâ sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Umaasa si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na ang mga tagumpáy nang  ipapahayág si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyáng ikatlóng State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, ika-22 ng Hulyo.

Ayon sa pahayág ni Pimentel nitóng Miyerkulés, sa unáng SONA noong 2022 ay ang paglalatag ng mga programa at plano at noong 2023 naman ay maaaring may mga pagbuwelo na ang mga iyán.

Ngayon 2024 namán, iginiít ni Pimentel na dapat ang ibabahagì na ni Marcos ay ang mga tagumpáy ng kanyáng administrasyón.

BASAHIN: 22,000 pulís, security forces magbabantáy sa 3rd SONA ni Marcos

Dagdág pa ni Pimentel, handâ siyáng magbigáy ng kanyáng kontra-SONA kung sa kanyáng palagáy ay waláng katotohanan ang mga sasambitín ni Marcos.

Subalit aniya magbibigáy na lamang siyá ng kanyáng reaksyon at puná kung sa kanyáng palagay ay bitín lamang ang Ulat sa Bayan ni Marcos.

Read more...