METRO MANILA, Philippines — Nakumpirmá nitóng Martés ang pagbibitîw ng limang opisyal ng Department of Education (DepEd) sa Huwebes, kasabáy ng pag-alís ni Vice President Sara Duterte biláng kalihim at ang pagpalít naman sa kanyá ni Sen. Sonny Angara.
Sinabí ni Education Undersecretary Michael Poa na isa siyá sa mga nagpasa na ng resignation letter.
Ang ibá namán ay siná Undersecretary for Administration Nolasco Mempin, Assitant Secretary Sunshine Fajarda, Assistant Secretary for Procurement Reynold Munsayac, at Assistant Secretary for Administration Noel Baluyan.
BASAHIN: Ilang DepEd officials nagpasa ng resignation letter kay Angara
BASAHIN: Ayusin pagtuturò ng kasaysayan, bilin ni Marcos kay Angara
Walá pang direktang sagót si Poa kung lilipat siya sa Office of the Vice President.
Nag-abót si Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng resignation letter niyá bilang hepe ng DepEd noóng ika-19 ng Hunyo.