METRO MANILA, Phililppines — Nabalahaw sa sa madamómg gilid ng taxiway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang eroplano ng Cebu Pacific madalíng araw nitóng Biyernes, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).
Walâ namáng sakáy na mga pasahero at crew ang eroplano dahil ito ay hinahatak upang maiparada sa Bay 111 ng NAIA Terminal 3.
Nabatíd ng Radyo Inquirer na malakás ang buhos ng ulán ng mangyari ang insidente sa taxiway intersection G13.
BASAHIN: VietJet Air plane nag-emergency landing sa Laoag airport
BASAHIN: Kasunduan sa NAIA rehabilitation pinirmahán sa Malacañang
Pansamantaláng hindi nagamit ang Bays 110 at 112 dahil sa pangyayari at iláng biyahe ang naapektuhán.
Bago 11 a.m. ay naalís na ang eroplano sa gilid ng runway.
Humingî na ng paumanhín at pang-unawà ang CebuPac sa mga naapéktuhan ng insidente.