METRO MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) si Paulene Canada na isá sa mga kapwà akusado ni Pastor Apollo Quiboloy sa mga kaso nitóng child abuse at human trafficking.
Iprinisinta si Canada nitóng Biyernes sa media sa Camp Crame niná Interior Secreta Benhur Abalos at PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil.
Nahuli ang suspek sa isang sa Davao City sa bisà ng isang arrest warrant mula sa korte.
BASAHIN: P10M na pabuyà sa info para maaresto si Apollo Quiboloy – DILG
Ayon kay Abalos, isang nagpakilalang concerned citizen ang tumawag sa mga awtoridád at ibinahagì ang kinaroroonán ni Canada.
Nakilala ng concerned citizen si Canada base sa wanted persons poster na ipinakalat ng PNP.
Ibinahagì ni Abalos na tatanggáp ng P1 milyong pabuyà ang concerned citizen at ang halagá ay magmumulâ sa isang pribadong indibidwál.
Nanawagan na rin si Abalos kay Quiboloy, ang pinunò ng Kingdom of Jesus Christ, na sumukò na lamang dahil sa mga daratíng na araw ay matutuntón na siyá ng mga awtoridád.