11 magkamag-anak patáy sa bangaán ng pickup, bus sa Cagayan

By Jan Escosio July 11, 2024 - 05:55 PM

PHOTO: Passenger bus that collided with a pickup in Cagayan. STORY: 11 magkamag-anak patáy sa bangaán ng pickup, bus sa Cagayan
Ito nag pamapasaherong bus na nakabangaan ng isang pickup sa Cagayan nitóng Huwebes, ika-11 ng Hulyo 2024. —Larawan mulâ sa Cagayan Police Provincial Office

METRO MANILA, Philippines — Mulâ sa burol ng isang namayapang kamag-anak, 11 na miyembro ng isáng angkán ang dumiretso na sa kamatayan nang sumalpók ang kaniláng sinasakyáng pickup sa isang pampasaherong bus sa Abulug, Cagayan nitóng madaling araw ng Huwebes.

Base sa ulat, nabanggà ng St. Joseph Bus (NBJ 3183) ang Toyota Hi-lux pick-up (AAU 5780) sa bahagi ng national highway sa Barangay Abulug 12:10 ng madaling araw.

Tumilapon ang mga sakáy ng pick-up at lahát silá ay idineklarang dead on arrival sa Far North Hospital.

BASAHIN: DFA: 13 Pinoy sugatan sa bus accident sa Egypt

BASAHIN:3 Pinay patay, 1 sugatan sa salpukan ng sasakyan sa California 

Ligtás namán ang pickup driver na si Nestor Mangupag at dalawá pa sa kanyáng mga pasahero, samantalang may isáng babae na nadamay sa aksidente.

Nasugatan namán ang bus driver na si Jay-jet Andrada at ang konduktor nitong si Christopher Tapec.

TAGS: Cagayan road accident, Cagayan road accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.