3 Pinay patay, 1 sugatan sa salpukan ng sasakyan sa California

By Rohanisa Abbas July 10, 2018 - 10:25 AM

Google Maps

Patay ang tatlong Pinay sa sa aksidente sa Santa Maria, California.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga nasawi na sina Necitas Santa Maria, Leonicelle Abaigar at menor de edad na anak nitong si Andrea.

Nasugatan naman si Catleen Dionisio na siyang driver ng kanilang sasakyan.

Ayon sa pulisya, walang habas umano ang pagpapatakbo ng driver ng isang sasakyan kaya sumalpok ito sa SUV ng mga Pinay.

Naganap ang akisdente sa intersection ng mga kalsada ng Stowell at Blosser.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng driver ng nakabanggang sasakyan na isinugod din sa ospital.

 

TAGS: aksidente, California, car crash, overseas Filipino, pinay, usa, aksidente, California, car crash, overseas Filipino, pinay, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.