METRO MANILA, Philippines — Niyaníg ng magnitude 7.1 na lindól ang Sultan Kudarat nitóng 10: 13 a.m.ng Huwebes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang lindol ay nagsimulâ sa lalim na 722 km at may distanya na 133 km sa timog-nanluran mulâ sa bayan ng Palimbang.
BASAHIN: Magnitude 4.9 earthquake nagpayanig sa Mt. Province
BASAHIN: DMW nagbabantay sa mga Pinoy sa Japan dahil sa lindol
Ito ay naramdaman sa mga sumusunod na lakás:
- Intensity IV sa Jose Abad Santos, Davao Occidental
- Intensity III sa Mati City, Davao Oriental, at Glan, Sarangani
- Intensity II sa Maragusan, Davao de Oro; Tagum City, Davao del Norte; Libungan and Tulunan, Cotabato; Kiamba, Maitum, at Malapatan, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato, at General Santos City
- Intensity I sa Davao City, Tantangan, South Cotabato, at Lebak, Sultan Kudarat.
Wala namáng inaasahan na napinsalà sa pagyaníg ng lupà bagamát posibleng magkaroón ng mga aftershock.
MOST READ
LATEST STORIES