Magnitude 4.9 earthquake nagpayanig sa Mt. Province
Tumama ang magnitude 4.9 earthquake sa Mountain Province ngayon tanghali, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang sentro ng lindol, limang kilometro hilaga-kanluran ng Tadian, Mountain Province dakong alas-12:20.
May lalim ito ng 10 kilometro at maaring idinulot ng aktibong fault malapit sa lugar.
Phivolcs located its epicenter at five kilometers (km) northwest of Tadian, Mountain Province.
Naramdaman itong Intensity III sa Banayoyo, Ilocos Sur.
Naitala naman ng kanilang instrumento na Intensity I sa Aringay at San Fernando City sa La Union at Vigan City sa Ilocos Sur.
Posible na nakapagdulot ng pinsala ang lindol ngunit hindi inaasahan ang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.