DMW nagbabantay sa mga Pinoy sa Japan dahil sa lindol
Nakatutok na rin ang Department of Migrant Workers (DMW) sa sitwasyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) kasunod ng magnitude 6.1 earthquake na nagpayanig sa Japan kanina.
“The DMW’s Migrant Workers Offices in Tokyo and Osaka (MWO-Tokyo | MWO-Osaka), citing the Japan Meteorological Agency (JMA), reported the quake’s epicenter was located off the coast of Fukushima Prefecture in the northeastern part of Honshu, Japan’s main island,” ayon sa abiso ng kagawaran.
Sinabi pa ng kagawaran na agad ikinasa ang protocols para sa pagtitiyak ng sitwasyon ng OFWs.
Naka-alerto na rin ang mga tauhan ng kagawaran sa kanilang tanggapan sa Osaka at Tokyo upang agad makapagbigay ng tulong sa mga Filipino na naapektuhan ng lindol.
Base sa impormasyon mula sa JMA alas-12:16 ng tanghali nang yanigin ng lindol ang northeastern Japan at naramdaman ito sa Iwate, Miyagi, at Fukushima prefectures.
Ang sentro ng lindol ay natukoy sa lalim na 40 kilometro sa Fukushima Prefecture.
Alas-2:13 ng hapon nang maitala ang magnitude 3.8 earthquake sa Southern Coast ng Iwate Prefecture na may lalim naman na 110 kilometro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.