METRO MANILA, Philippines — Tiwalà ang 44% ng mga Filipino na hanggáng sa darating na Marso — o sa loób ng 12 buwán — ay bubuti ang kaniláng buhay.
Base itó sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na isinagawâ sa may 1,500 na respondents na may edád 18 at pataás noóng ika-21 hanggáng ika-25 ng Marso.
Ngunit may katulad din na porsiyento ang sumagót na hindí silá umaasa na magbabago ang kaniláng buhay.
BASAHIN: Gutóm na pamilyang Filipino dumami ayon sa SWS Q1 survey
BASAHIN: Filipino nababahala sa mahal na mga bilihin, kapos na kita – survey
May 7% ang nagsabi na maaaring lumalâ pa ang kaniláng sitwasyón at may 6% naman na hindí sumagót sa survey.
Nabatíd ng Radyo Inquirer na 600 sa mga sumagót ay mulâ sa Balance Luzon at tig-300 sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.