Filipino nababahala sa mahal na mga bilihin, kapos na kita – survey

By Jan Escosio April 03, 2024 - 01:35 PM

Mataas na presyo ng mga bilihin at kapos na kita ang labis na ikinababahala ng pamilyang Filipino. (INQUIRER PHOTO)

Ang mataas na presyo ng mga bilihin at kapos na kita ang pangunahing ikinababahala ng pamilyang Filpino, base sa resulta ng Publicus Asia Inc., survey.

Sa  Pahayag survey para sa unang tatlong buwan ng taon, 14 porsiyento ang nagsabi na nababahala sila sa mataas na presyo ng mga bilihin at 12 porsiyento naman ang nagsabi na hindi sila makabili ng mga pangangailangan dahil kapos ang kita.

May 11 porsiyento naman ang nagsabi na nahihirapan na makahanap ng trabaho at 10 porsiyento ang nangangamba na mawawalan ng trabaho.

Pinakamarami sa Visayas at Mindanao ang nagsabi na hindi sila nakakabili ng kanilang mga pangangailangan dahil sa mahal na presyo, bukod sa hirap sila sa paghahanap ng trabaho.

Sa mga pamilya din sa Balance Luzon, Mindanao at Metro Manila ang nababahala sa kapos na kita.

Samantalang ang lubos naman na ikinababahala ng mga taga-Metro Manila at ang mga nasa Balance Luzon ay ang mawalan sila ng trabaho.

 

TAGS: mataas na presyo, sahod, mataas na presyo, sahod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.