27 katao sugatán sa pagsabog ng mga paputók sa Zamboanga City

PHOTO: Schematic map of Zamboanga City STORY: 27 katao sugatán sa pagsabog ng mga paputók sa Zamboanga City
INQUIRER.net file graphic

METRO MANILA, Philippines — Nasugatan ang 27 katao sa pagsabog ng kinumpiskáng mga paputók sa Zamboanga City nitóng Lunes ng hapon.

Ayon sa Zamboanga City Police Office, kabilang sa mga nasugatan ang 19 uniformed personnel — anim na pulís, limáng bumbero, limáng marines, at tatlóng coast guard personnel.

Isá sa kanilá ang napaulat na nasa kritikál na kondisyón at may apat na ibá pa na grabe ang tinamóng sugat sa katawán.

BASAHIN: In Zamboanga City, 27 hurt as firecrackers set for disposal explode

BASAHIN: Pagawaan ng paputok sa Laguna nasunog, 2 patay

Nabatíd ng Radyo Inquirer na “for disposal” na ang mga paputókk sa Barangay Cabatangan nang biglâ na lamang sumabog ang mga itó nang 5:35 p.m..

Kinumpiská ang mga paputókk sa sumabog sa isang pagawaan sa Barangay Tetuan noóng ika-29 ng Hunyo.

Read more...