2 milyón na jobless ikinababahalà ni Sen. Jinggoy Estrada

PHOTO: Jinggoy Estrada STORY: 2M na jobless ikinababahalà ni Jinggoy Estrada
Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada —File photo from the Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Phililppines —Nababahalà si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaás ang biláng ng mga Filipino na waláng trabaho.

Sinabi ni Estrada nitóng Martés na patunay lamang itó na maraming Filipino ang nahihirapang makahanap ng maayos na trabaho o pagkakakitaan.

Nararapat aniya na magtulungán ang lehislatura, ang mga ahensya ng gobyerno, at pribadong sektór para sa mga solusyón sa isyu.

BASAHIN: Jobless Filipinos dumami noong Disyembre – SWS survey

BASAHIN: Villanueva isinusulong solusyon sa ‘job-skills mismatch issue’

Kabilang na ang paglikhâ ng mga bagong trabaho, skills development, at mga programa para umayon ang mga kurso sa kailangan sa mga industriya.

“Hindi dapat tayo magíng kampante. Indikasyón itó na marami pa rin sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng tulong upang matugunán ang pangangailangan ng kanilang pamilya,” ani Estrada.

Idiniín niyá na makatuwiran lamang na may dignidád sa trabaho ang mga Filipino at mabigyan silá ng pagkakataón na makapag-ambág sa paglagô ng ekonomiya ng bansâ.

Read more...