Jobless Filipinos dumami noong Disyembre – SWS survey
Sumirit sa 9.4 milyong Filipino ang walang trabaho noong Disyembre mula sa 7.9 milyon noong nakaraang Setyembre, base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na inilabas ngayon araw.
Isinagawa ang survey noong Disyembre 8 hanggang 11 at ang bagong bilang ng mga walang trabahong Filipino ay 19.5% ng adult labor force.
Kumpara din sa naitala noong Setyembre na 16.9% jobless, ang resulta noong Disyembre ay nagpakita ng pag-angat ng 2.6%.
Pinakamaraming trabaho sa mga nasa edad 18 hanggang 24 sa 53.7%, sinundan ng mga nasa edad 35 hanggang 44 (20.9%), 19.1% sa mga nasa edad 25-34 ar 12.8% naman sa mga nasa edad 45 pataas.
Mas marami ding babae ang walang trabaho sa 23% kumpara sa mga lalaki (15%).
Noong unang linggo ng nakaraang buwan, inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 1.6 milyong Filipino na lamang ang walang trabaho noong Disyembre, na mas mababa sa naitalang 1.83 milyon noong Nobyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.