METRO MANILA, Philippines — Nabahalà ng hustó ang House Committee on Appropriations sa lawak ng nakuhang impormasyón dahil sa data breach na nangyari sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) noong Setyembre ng nakaraáng taón.
Sa pagdiníg ng komité, ipinaalám ng PhilHealth na limá sa anim ng mga servers nitó ang nakompromiso.
Sinabi ni Marikina Rep. Stella Quimbo na ang servers ay naglalamán ng medical records ng mga pasyente, billing statements ng mga miyembro, records ng mga dating rebelde sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (Pamana) program, billing records ng mga indigent patients, senior citizens at mga uniformed personnel na nasawiî sa pagtupád sa tungkulin.
BASAHIN: Pagsuspindi ng PhilHealth rate hike inilapit kay Marcos
Tinatayáng nasa 42 milyong miyembro ang apektado ng insidente.
Nadiskubré sa pagdinig na ang mga naturang datos ay nasa laptop na na-hack ng iláng tauhan ng Philhealth.
Labis na nakakabahalà, sabi pa ni Quimbo, ang lawak ng mga nakuhang impormasyón.
Nagbilin ito sa PhilHealth na ipaliwanag sa mga miyembro ang mga detalye kaugnáy sa pangyayari.