METRO MANILA, Philippines — Kumpyansa si Finance Secretary Ralph Recto na sa Agosto ay mababawasan ng hanggáng P5 ang presyo ng kada kilo ng bigás sa bansâ.
Sinabi ni Recto na itó ay bunga ng bawas sa taripa sa mga inaangkát na bigás.
Ipinaliwanag niyá na dahil sa bawas sa taripa ng 20 percentage points — mulá 35% hanggaáng 15% — 10% naman ang mababawas sa presyo ng kada kilo ng bigás sa mga pamilihan hanggáng sa pagtatapós ng taón.
BASAHIN: P29 per kg na bigas meron na sa Kadiwa Stores simulá Hulyo 5
Binanggít ng kalihim na ang bigás ang nangungunang nagpapataás ng inflation simulâ noón pang nakaraáng Setyembre bunga na rin ng pagtaás ng presyo nitó sa pandaigdigang pamilihan.
Sabi pa niyá higít na makakatulong ang pagbabâ ng presyo ng bigás sa mga pamilyang nasa laylayan ng lipunan, na 30% ng mga pamilya sa bansâ.
Bumaba na sa 3.7% ang inflation rate sa bansâ noong Hunyo mula sa 3.9% noong Mayo.