Pagsuspindi ng PhilHealth rate hike inilapit kay Marcos

By Jan Escosio February 29, 2024 - 09:18 PM

Hindi maaapektuhan ang health packages ng Philhealth kahit masuspindi ang 5th premium rate hike, ayon kay Sen. JV Ejercito. (SENATE PRIB PHOTO)

Ibinahagi ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na naidulog niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang isyu  ukol sa pagtaas ng limang porsiyento sa kontribusyon sa Philhealth.

Ayon kay Ejerito nagkaroon ng pagkakataon na maka-usap niya ang Punong Ehekutibo ukol sa suspensiyon ng umento sa kontribusyon sa katuwiran na may isinusulong na pag-amyenda sa Universal Health Care Law.

Dagdag pa ng senador, nabanggit niya kay Marcos na ang dagdag sa kontribusyon ay base sa mga datos bago ang pagtama ng Covid 19 pandemic kung kailan ay lubhang iba ang sitwasyon.

Nakiusap aniya siya kay Marcos na suspindihin muna ang premium rate hike habang hinihintay ang magiging pag-amyenda sa UHC Law, kung saan nakapaloob ang pagtaas ng kontribusyon sa Philhealth.

Ito naman sabi pa ni Ejercito ay para magpatuloy ang pagkakataon na makabangon o makabawi ang maraming Filipino sa naging epekto ng pandemya.

Sabi pa nito na kahit suspindihin ang umento ay magtuloy-tuloy naman ang pagtaas ng health at medical packages ng Philhealth.

Umaasa naman si Ejercito na magkakasundo ang Senado at Kamara sa panukalang pag-amyenda sa UHC Law.

TAGS: contribution rate, philhealth, contribution rate, philhealth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.