METRO MANILA, Philippines — Bahagyáng bumabâ ang antás ng pagtaás ng halagá ng mga bilihin at serbisyo noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authiority (PSA).
Mula sa 3.9% noong Mayo ay bumaba ang inflation sa 3.7% noong Hunyo.
Ito ay mababà sa nagíng pagtatayâ ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang maitataláng June inflation rate ay maaaring umabot sa 4.2%.
BASAHIN: 3.8% na inflation naitala ng PSA noong Abril
BASAHIN: March inflation pina-angat sa 3.7% ng mga pagkain, transportasyon
Sinabi ni PSA Director General Dennis Mapa na ang pagbabâ ay bunga ng mas mabagal na pagtaás ng mga presyo na may kaugnayan sa transportasyon at sa presyo ng kuryente.
Sa kabuuán, ang naitaláng pagtaás noóng nakaraáng buwan ay dahil sa paggaláw sa presyo ng bigás at iba pang pagkain.