March inflation pina-angat sa 3.7% ng mga pagkain, transportasyon

By Jan Escosio April 05, 2024 - 09:21 AM

Tumaas sa 3.7% ang inflation sa bansa noong Marso mula sa 3.4% noong Pebrero. (INQUIRER PHOTO)

Mula sa 3.4 porsiyento noong Pebrero, umangat sa 3.7 porsiyento ang inflation noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang mataas na halaga ng mga pagkain at non-alcoholic beverages ang pangunahing dahilan sa pagtaas ng inflation rate nitong Marso.

Gayundin sa sektor ng transportasyon, restaurants at accomodations. Tumaas din ang inflation rates sa kalusugan at recreation, sport and culture.

Bumaba naman ang inflation rates sa alcoholic beverages at tobacco, 6.7 percent from 8.6 percent; housing, water, electricity, gas at ibang petrolyo.

Gayundin sa mga gamit sa bahay, maintenance sa bahay, personal care, at miscellaneous goods and services.

 

TAGS: inflation rate, pagkain, inflation rate, pagkain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.