METRO MANILA, Philippines — Simula ngayóng Biyernes,ika-5 ng Hulyo 5, ang Department of Agriculture (DA) ay magpapabenta ng sa ilalim ng Program 29 nitó ng dekalidad na bigás sa halagáng P29 kada kilo.
Base sa direktiba ni Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel, susubukan ang programa sa pilíng Kadiwa Store sa Metro Manila at Bulacan, kung saan ang P29 kada kilo ng bigás ay mabibili mulâ Biyernes hanggáng Linggó.
Ani Tiu-Laurel, target ng programa na maabot ang 6.9 na milyóng pamilya na may katumbás na 35 na milyong indibidwál.
Ipinaliwanag niya na bibigyán ng booklet ang mga kuwalipikadong benepisyaryo para sa pagsubaybáy sa pagbebenta ng murang bigás.
BASAHIN: Pabilisín pag-ani ng palay, hilíng ni Sen. Imee Marcos sa DA
BASAHIN: P6-P7 kada kilo maaaring mabawas sa presyo ng bigás sa Hulyo
Ang mga benepisyaryo ay senior citizens, single parents, ang mga may kapansanan, at mga nakakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Mabibili na ang murang bigás sa mga lugar na ito:
- Bureau of Animal Industry sa Quezon City
- National Irrigation Administration sa Quezon City
- Bureau of Plant Industry sa Manila
- Food Terminal Inc. sa Taguig City
- Philippine Fiber Industry Development Authority in Las Piñas
- Kadiwa Store sa Caloocan City
- Kadiwa Store sa Valenzuela City
- Kadiwa Store sa Barangay Fortune at BF City (BFCT) sa Marikina City
- Kadiwa Store sa San Jose del Monte City sa Bulacan
Pakiusap ni Tiu-Laurel sa mga benepisyaryo na huwág ipagbilí sa ibá ang nabiling murang bigás.