P6-P7 kada kilo maaaring mabawas sa presyo ng bigás sa Hulyo
METRO MANILA, Philippines — Maaaring sa susunód na buwán ng Hulyo pa mararamdamán ng mga mamimili ang pagbabâ ng presyo ng bigás kapág ibinabâ ng 15% hanggang 35% ang taripa sa imported rice.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa kamakailan na itó ay dahil dalawá hanggang tatlóng linggó ang aabutin bago dumatíng sa bansâ ang inangkát na bigás mulâ sa Vietnam.
Kumpyansa si de Mesa na mararamdamán ng mga mamimili ang pagbabâ ng presyo ng bigás dahil hihigpitán nilá ang pagmamatyág sa mga pamilihan.
BASAHIN: Bigás, ibá pang pagkain bumabâ ang presyo – PSA
BASAHIN: DA nilinaw panukalang pagbili, pagbenta ulit ng bigás ng NFA
Samantala, tiniyák ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may mga gagawíng hakbáng para sa proteksyón namán ng mga lokál na magsasaka.
Sinabi din niyá na hihingí silá ng mas malakíng pondo sa susunód na taón para sa abono dahil maaapektuhan ng pagbabâ ng taripa ang Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF).
Dagdag pa niya na titiyakín nilá na mapapakinabangan pa rin ng mga magsasaká ang Rice Fund. Pinangakò rin niyá na magandá ang iaalók niláng mga presyo para sa bibilhín ng National Food Authority (NFA) na mga palay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.