Pabilisín pag-ani ng palay, hilíng ni Sen. Imee Marcos sa DA

PHOTO; Isang magsasaká ang nagtutuyô ng ani niyáng palay sa gilid ng highway sa bayan ng Aguilar, Pangasinan STORY: Pabilisín pag-ani ng palay, hilíng ni Sen. Imee Marcos sa DA
Isang magsasaká ang nagtutuyô ng ani niyáng palay sa gilid ng highway sa bayan ng Aguilar, Pangasinan. Ang larawan na itó ay kuha noong ika-28 ng Agosto 2019. —File photo na kuha ni Willie Lomibao ng Inquirer Northern Luzon

METRO MANILA, Philippines — Inihirit ni Sen. Imee Marcos sa Department of Agriculture (DA) na pabilisín ang panahón sa pag-ani ng palay.

Sa pagdiníg ng Senate Committee on Agriculture kahapóng Huwebes, binanggít ni Marcos na may mga bansâ na pagkalipas ng 85 araw ay nagagawâ nang mag-ani ang palay. Samantalang dito sa Pilipinas ay pinakamabilis na ang 110 araw.

Ipinaliwanag ng senadora na dahil itó sa pabago-bagong panahón at inaabot ng bagyó ang mga sumisibol na palay.

Ukol namán sa mga urì ng punlâ o binhî na ibinibigáy sa mga lokál na pamahalaán, pinaliwanagan si Marcos ng DA na may 20 urì ng punlâ sa ipinamamahagì sa ibat-ibáng bahagì ng bansâ at limá sa mga itó ang maaaring piliin ng lokál na pamahalaán.

Pinuná din ni Marcos na ang pagbiyahe ng mga opisyál ng DA na sa halip aniya ay iukol ang kaniláng panahón sa pagsasaliksík para sa iba pang mga urì ng punlâ ng palay.

Ginawâ ang pagdiníg para sa panukalang amyendahan ang Rice Tarrification Law.

Read more...