Pangalan ni first lady gamit sa ‘gov’t position for sale’ scam

PHOTO: NBI logo over shot of NBI HQ facade STORY: Pangalan ni first lady gamit sa ‘gov't position for sale’ scam
Composite image from INQUIRER.et file photos

METRO MANILA, Philippines — Isáng pinaniniwalaang sindikato na nagbebenta ng matataas na posisyon sa gobyerno ang nabuwag ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkaka-aresto ng pitóng suspek.

Sinabí ni NBI Director Jaime Santiago na ginagamit ng sindikato ang pangalan ni first lady Liza Araneta-Marcos sa operasyón nitó.

Kabilang sa naaresto si John Vicente Cruz, na nagpapakilalang Atty. JV Cruz na assistant secretary raw sa Presidential Management Staff (PMS) sa Malacañang.

BASAHIN: First Lady Liza Araneta-Marcos hindi nakikialam sa appointment sa gobyerno

BASAHIN: Mga gumagamit sa pangalan ni first lady bilang na ang araw

Ayon kay Santiago, ikinasá nila ang entrapment operation sa isang hotel sa Quezon City nang kumpirmahín ng PMS na wala silang opisyal na Atty. JV Cruz maging sa Office of the President (OP).

Naniningíl ang sindikato ng P500,000 hanggang P1 milyon depende sa posisyón na inaalók nitó.

Nagpakilala si Cruz na “janitor o tagalinis” ng mga natitirang opisyál ng dating administrasyón kayat naghahanáp siyá ng mga interesadong pumalít sa posisyón.

Iláng ahente ang nagpakilalang mga aplikante sa mga posisyón at pagka-abót nila ng P100,000 na “boodle money” kay Cruz ay inaresto na nilá ito at anim pang miyembro ng sindikato.

Umapilá na rin si Santiago sa mga naunáng nabíktima ng sindikato na magsampá na rin ng mga reklamo.

Read more...