Mga gumagamit sa pangalan ni first lady bilang na ang araw

By Chona Yu January 07, 2023 - 11:29 AM

METRO MANILA, Philippins —Binalaan ni first lady Liza Araneta-Marcos ang mga gumagamit sa kanyáng pangalan para maluklok sa puwesto.

Base sa video message ni Marcos, sinabi nito na walâ siyáng kinalaman sa pagtatalagâ ng mga opisyál sa Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines.

Nakaratíng kasi sa kaalamán ni Marcos na may mga indibidwál na gumagamit ng kanyáng pangalan para lamang maka-puwesto.

Babalâ ni Marcos, oras na malaman niyá na may mga gumagamit sa kanyáng pangalan, pagsasabihan niya ang asawang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag i-appoint sa puwesto.

“I just want everyone to know that I have nothing to with ISAFP. I don’t know the people involved. I have nothing to do with the appointments. I leave it up to my husband. And if I found out that somebody is using my name, I shall tell my husband not to appoint you, okay? I hope this is clear. I am sick and tired of people using my name,” pahayág ni Marcos.

Hindi naman tinukoy ni Marcos kung sinong mga indibidwál ang gumagamit sa kanyáng pangalan.

TAGS: appointment, first lady, Liza Marcos, news, Radyo Inquirer, appointment, first lady, Liza Marcos, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.