Comelec magkakasá ng election cases laban kay Mayor Alice Guo 

PHOTO: Bamban Mayor Alice Guo STORY: Comelec magkakasá ng election cases laban kay Mayor Alice Guo 
Mayor Alice Guo of Bamban, Tarlac —Kuha ni Marianne Bermudez, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Inihahanda na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga isasampáng mga election cases laban kay suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hinihintáy na lamang din nilá ang ulat ng Senate Committee on Women and Children sa mga isyung kinasasangkután ni Guo.

Magíng ang ihahain na quo warranto petition ng Office of the Solicitor General, dagdág pa ni Garcia, ay hinihintáy din nilá.

BASAHIN: Fingerprints niná Alice Guo at Guo Hua Ping magkatulad – NBI

BASAHIN: Mayor Alice Guo sinipà na sa Nationalist People’s Coalition

Kakausapin daw niyá ang Comelec law department upang simulán na ang pangangalap ng mga ebidensya na gagamitin sa mga kaso.

“Syempre mas magandá din talagá na mahintáy namin ang mismong Senate committee report. Ano ba ang mga nakita nilá na ebidensya at syempre yung sa OSG. Pero pwede namin gawíng basehan ang nilalaman ng petition for quo warranto upang makita namin kung meron ba talagáng misrepresentation,” ani Garcia.

Ipinaliwanag namán niyá na ang election case ay may limáng taon na prescription period at ang hurisdiksyón ng Comelec para sa pagsasampá ng mga kaso laban kay Guo ay hanggang 2027.

Nahalal na alkalde ng Bamban si Guo noong 2022.

Sa isinumit´ng certificate of candidacy (COC) ni Guo, idineklara niyá na isinilang siyá sa Tarlac City at naninirahan siyá sa Pilipinas ng higit nang 35 taon.

Read more...