Metro Manila workers may dagdág na P35 sa daily minimum wage

PHOTO: DOLE logo over an auditorium STORY: Metro Manila workers may dagdág na P35 sa daily minimum wage
DOLE logo over an auditorium —INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Simulâ sa darating na ika-17 ng Hulyo, madadagdagán ng P35 ang arawáng sahod ng minimum wage workers sa Metro Manila.

Ayoon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ito ay nakasaád sa Wage Order No. NCR-25 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng National Capital Region na may petsang ika-27 ng Hunyo.

Dahil dito, tataás sa P645 ang daily minimum wage ng non-agriculture workers mula sa kasalukuyang P610.

Samantalag, ang mga nagta-trabaho sa mga sektór ng agrikultura, serbisyo, at retail na tindahan na may 10 manggagawà o mas mababà pa ay tataás sa P608 ang pinakamababang sahod mulâ sa P573.

BASAHIN: 46% wage hike sa gov’t workers inihirit ni Jinggoy Estrada

BASAHIN: Ilang senador pabor sa wage rates review na iniutos ni Marcos

Bago ang pagbibigáy ng umento, tatlóng petisyón para sa dagdág sahod ang inihain sa wage board. Ang mga petisyón ay galing sa mga health workers sa apat na pribadong ospitál, sa Unity for Wage Increase Now, at sa Pasig Labor Alliance for Democracy and Development.

Noóng nakaraáng ika-16 ng Hulyo, tumaás ng P40 ang daily minimum wage sa Metro Manila.

Read more...