METRO MANILA, Philippines — Hinamon ng ilang mga senador, kasama na si Senate President Francis Escudero, ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na pangalanan ang dating miyembro ng gabinete na nag-asikaso ng permits ng mga nabukíng na illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) hubs.
Sinabi ni Escudero nitóng Lunes na, dapat tanggapín ng Pagcor ang hamon upang hindí na madamay at pagdududahan ang iba pang mga dating miyembro ng gabinete.
Itó rin ang katuwiran ni Minority Leader Aquilono “Koko” Pimentel III, at dinagdíag pa niyá na mabibigyán din ng pagkakataón ang naturang dating opisyál na depensahan ang kanyáng sarili kung aalisán na siyá ng maskara ng Pagcor.
BASAHIN: Puksaín mga sindikato, huwág mga POGO – Pagcor chief Tengco
BASAHIN: Ilegál na mga POGO may koneksyón ba sa isá pang scandal?
Ayon naman kay Sen. Joel Villanueva, hindí showbiz ang Senado kayát walâ dapat “blind item” kayat dapat ay ibunyág na kung sino ang dating Cabinet member na idinadawit sa ilegál ng mga POGO hub.
Naghihimutók namán si Sen. Sherwin Gatchalian dahil tatlóng beses nang nakapagsagawâ ng pagdiníg sa Senado at may hawak na mahalagáng impormasyón ang Pagcor na hindi nitó ibinahagi sa mga senadór.