30-day toll holiday sa Cavitex simulâ sa unang araw ng Hulyo

PHOTO: A PEATC worker stands near toll boths at a Cavitex exit. STORY: 30-day toll holiday sa Cavitex simulâ sa unang araw ng Hulyo
A PEATC worker stands near toll booths at a Cavitex exit. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Magsisimulâ na sa unang araw ng Hulyo ang 30-day toll holiday sa Cavite Expressway (Cavitex), ayon sa payahág ng Cavite Infrastructure Corp. (CIC) nitóng Biyernes.

Ayon kay sa CIC president at general manager na si Raul Ignacio, makakatulong itó sa mga motorista sa haráp ng nagtataasang presyo ng mga produktong petrolyo.

Itó rin aniya ay pagsuporta ng CIC sa desisyon ng Toll Regulatory Board (TRB) alinsunod sa utós ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

BASAHIN: Pagtaás ng toll sa NLEX pasado na sa TRB

BASAHIN: Toll collection sa Cavitex dapat hawak ng PEATC

Ayon pa kay Ignacio, hindí magbabayad ang mga motorista sa lahat ng Cavitex exits sa Kawit at Parañaque, maging sa C5 Link segment Merville at Taguig exits, sa bagong bukas na Segment 2 (Sucat Interchange).

Aniya, tumagál ang deliberasyón sa pagpapatupád ng toll holiday dahil sa maraming bagay ang kailangang pag-usapan.

Aminado namán si Ignacio na milyong-milyóng kita ang mawawalâ sa kanilá dahil sa toll holiday.

Read more...